Abante Tonite Interactive

Misis na maraming utang binaril

397

Isang ginang na marami umanong pagkakautang ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi nakilalang gunman sa loob mismo ng kanyang bahay sa Tiaong, Quezon Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ng Tiaong police ang biktimang si Rowena, taga-Barangay Lumi­ngon. Ayon sa report, nakaupo umano­ sa terrace ng kanyang bahay ang 52-anyos na biktima at nakikipag-usap sa credit consultant ng isang credit­ corporation nang barilin ng da­lawang beses ng gunman.

Nagtamo ito ng dalawang bala sa katawan at namatay noon din.

Agad namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Inaalam pa ng mga pulis kung may kinalaman sa mga pagkakautang ng biktima ang motibo sa krimen. (Ronilo Dagos)