Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis na pulis binoga, mister todas sa shootout

0 102

Yumao ang isang mister nang manlaban sa mga rumespondeng awtoridad matapos ni­yang pagbabarilin ang kanyang misis na pu­lis sa Barangay Quibal, Peñablanca, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Julius Calalay ng Barangay Linao East, Tuguegarao City ng na­sabing lalawigan.

Samantala, ang kan­yang misis ay nakilalang si P/Master Sgt. Evelyn Calalay, nakatalaga sa Tuguegarao City Police Station (TCPS).

Nauna rito, ayon sa TCPS, papasok si Evelyn sa himpilan ng pulisya nang magkaroon sila ni Julius ng pagtatalo. Dito binaril ni Julius ang asawang pulis.

Masuwerteng nag­tamo lamang ng daplis sa tagiliran ang misis na nagresulta sa kanyang pagkatumba sa mina­manehong motorsiklo sa bahagi ng Pinacanauan River, ng Barangay Cen­tro 10.

Ayon sa pulisya, tu­makas ang suspek lulan ng motorsiklo habang nagpasaklolo sa kanyang mga kasamahan sa TCPS ang biktima. Ang anak na si CJ ang kumilala na si Julius mismo ang bumaril sa kanyang ina.

Kaugnay nito, agad tinungo ng pulisya ang bahay ng kapatid ng sus­pek sa Barangay Quibal, Peñablanca na itinuro ng nakababatang Calaycay na posibleng kinaroroonan ng ama.

Dito nakasalubong ng mga rumespondeng pulis si Julius na lulan ng mo­torsiklo at agad umanong nagpaputok ng baril kaya gumanti ang nauna na tumama sa paa ng huli.

Sa kabila ng pakikipagnegosasyon ng awtori­dad, muli umanong pina­putukan ng suspek ang mga pulis na gumanti ulit ng putok kaya tinamaan ang mister sa katawan.

Agad isinugod si Julius sa ospital ngunit dead-on-arrival siya. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.