Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis na tomador kinatay

0 124

Nahaharap sa kasong parricide ang 32-anyos na lalaki matapos patayin ang kanyang asawa sa bayan ng Jagna, Bohol nitong Huwebes.

Batay sa ulat, nakikipag-inuman umano ang ‘di pinangalanang biktima sa kanyang pamangkin sa kanilang bahay alas-11:00 ng gabi, nang biglang sumulpot ang suspek na si Ronito Delig Salamanca at ginilitan ang asawa gamit ang kutsilyo.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek matapos ang krimen. Inaalam pa ang motibo ng suspek sa pagkatay sa asawa pero ayon sa pulisya madalas nang magtalo ang dalawa kaugnay sa kanilang pagsasama.

Bukod sa parricide, nahaharap din si Salamanca sa kasong child abuse dahil sa umano’y pang-aabusong seksuwal sa 13-anyos niyang anak noong 2019. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.