Abante Tonite Interactive

Misis nabuntis ng estudyante

1,247

Dear Atty. Claire:

Itago na lang po n’yo ako sa pangalang Johnny. Ikinasal po ako nu’ng 2005 sa isang nurse. Isa po akong OFW. Nu’ng 2012 po nabuntis po siya ng kanyang estudyante.

Nagkahiwalay po kami pagbalik ko ng Pilipinas dahil sa pakikiapid niya sa iba. Noong June 4, 2014 bumalik po ako ng Pilipinas.

May natanggap po ang pinsan ko na summons para sa kasong pagpapawalang-bisa ng aming kasal. Pero nakalagda po siya sa complaint noong June 4, 2014 pero nasa ibang bansa na siya noong February 2013 pa. Hindi rin po ako nakapaglagda kasi po nakauwi na ako ng probinsya noong June 8.

Tutuloy pa rin po kaya ang kaso kahit na pinalabas niyang nandito siya noong nagsampa ng kaso kahit wala naman siya? At paano po ang proseso sa PRC para mapawalang-bisa ko po sana ang kanyang lisensya bilang nurse?

Puwede po bang matanggalan siya ng kanyang lisensya kahit hindi na po ako nag-file ng criminal case? Ano po ang puwede kong gawin?

Salamat po.
Johnny

Dear Johnny:

Nagkaroon ako ng katulad ng iyong kaso kung saan pinalabas ng nagsampa ng kaso na narito siya nang lu­mag­da siya sa verification na isang mahalagang parte ng isang complaint.

Nalaman namin sa isang ahensya ng gobyerno na wala siya sa Pilipinas nang araw na inilagay nila sa verification.

Dahil dito ay nag-file kami ng motion to dismiss dahil sa maling information na kanyang inilagay tungkol sa date ng verification ng complaint. Lumalabas kasi na wala siya noong araw na lumagda siya sa complaint kaya’t maliwanag na falsification of document ang ginawa niya.

Mapapakita mo na rin kung paano siya magsabi ng mali at magagamit mo iyon laban sa kanya. Kapag nakita ito ng korte sa pamamagitan ng pag-file mo ng motion to dismiss o answer with affirmative defenses ay malamang na hindi matuloy ang paglilitis ng kaso ninyo.

Kung nais mo siyang sampahan ng kaso sa PRC ay gumawa lamang ng complaint tungkol sa kanyang immoral activities at ang maliwanag na falsification of document na kanyang ginawa at isampa sa PRC. Kapag napatunayan ang kanyang kamalian ay malamang na matanggalan siya ng lisensya o magkroon ng suspension to practice dahil ayon sa Code of Ethics for Nurses: “They should lead their lives in conformity with the principles of right conduct and proper decorum” at kahit hindi ka magsampa ng criminal complaint, tandaan na hindi nagpaparusa ang PRC ng pagkakakulong dahil korte lamang ang maaaring magpataw nito.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 or mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.