Abante Tonite Interactive

Misis nagpabuntis habang nakakulong si mister

1,242

Mapait ang naging kapalit ng paglaya ng isang mister mula sa 2 taong pagkakakulong nang datnan nito sa bahay ang kanyang misis na may anak na sa iba at kasalukuyan pang buntis.

Bunga noo’y dumulog sa pulisya ang mister na si Randy at inireklamo ang kanyang misis na si Gina at ang lalaking kinakasama nito.

Nobyembre 2, 2017 nang hulihin at ikulong si Randy sa Davao City Jail. Dahil hindi dumadalo sa paglilitis ang nagsilbing saksi sa krimen ay pinakawalan din ito noong Martes sa kasong murder na aniya’y hindi naman niya ginawa.

Pag-uwi ni Randy sa kanilang bahay sa Uyanguren, Davao City ay nabigla ito matapos madiskubreng may anak na si Gina sa ibang kinakasama at kasalukuyan pang buntis.

Nabatid na sina Randy at Gina ay may tatlo ng anak na nasa edad 16, 18, habang ang bunso nila ay 8-anyos.