Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis nagreklamo sa ayuda, estapador pala

0 353

Arestado ng pulisya ang isang ginang makaraang mageskandalo sa munisipyo ng Obando, Bulacan dahil sa bigayan umano ng ayuda, pero nang beripikahin ay mayroon pala itong warrant of arrest dahil sa tatlong kaso ng bouncing check sa Caloocan City.

Nakikilala ang ginang na si Evangeline Atazar alyas ‘Dianne Sesa Fabiona’. Miyerkoles umano ng hapon nang magpunta ito sa munisipyo at gumawa ito ng kaguluhan nang maglabas ito ng sama ng loob dahil hindi ito nabigyan ng ayuda.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek at mga tauhan ng munisipyo kaya rumesponde na ang pulisya at inaresto si Atazar. Nang beripikahin ang kanyang pagkatao ay nadiskubreng mayroon itong arrest warrant sa dahil sa paglabag sa BP 22, na nilabas ni Hon. Judge Gloria Santos, na may petsang January 11, 2018. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.