Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis nang-shoplift ng P4K halaga sa mall

0 104

Tinangka ng isang 51-anyos na ginang na mag-shopping nang libre subalit nabuking ng nakabantay na security guard habang papalabas na ng department store sa Mandaluyong City, kamakalawa.

Sa nakalap na report sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), sinampahan ng kasong theft thru shoplifting ang suspek na si Marites Joaquin y Peras, 51, matapos masita sa pang-uumit ni Lebitico Madrid y Rosario, 43-anyos, civilian guard.

Inaresto ang suspek bandang alas-3:15 Biyernes ng hapon sa loob ng department store sa Mandaluyong City matapos sitahin ni Madrid ang suspek na aktong palabas na ng department store dala ang umaabot sa Php 4,496.75 assorted items na kanyang kinulimbat.

Naghinala umano si Madrid sa kilos ng suspek kaya sinundan niya ito hanggang sa hanapan ng resibo subalit walang maipakita kaya inaresto.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Mandaluyong Police detention cell. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.