Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis napaanak sa ambulansya

0 51

HINDI na umabot ng ospital at sa ambulansya na inabot ng panganganak ang isang ginang sa Mariveles, Bataan nitong nagdaang Huwebes.

Kwento ni Myra Aiza Grace Pigtuhan, naglalakad siya sa Brgy. Alas Asin nang madaanan siya ng ambulansya.

Papunta sana siya sa kabilang barangay para magpa-checkup sa kanyang 9 buwang ipinagbubuntis kaya pinasakay na lang siya sa ambulansya.

“Buti na lang may ambulansya, dahil may ihahatid ding pasyente dyan sa karagatan, nakisabay kami,” ani Pigtuhan.

Ngunit hindi pa gaanong nakakalayo ang ambulansya ay nakaramdam na siya ng pananakit ng tiyan hanggang sa abutan na ng panganganak sa loob ng ambulansya.

Lubos naman ang pagpapasalamat ni Myra sa mga sakay ng ambulasya dahil pinasabay siya at ligtas niyang naisilang ang ikalawa niyang anak. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.