Abante Tonite Interactive

Misis ng businessman pinagtatawanan ang magkakapamilyang kabit

806

HINDI naman siya proud pero pinagtatawanan lang ngayon ng tunay na misis ng isang kontrobersiyal na milyonaryong businessman ang pag-aaway ng magkakadugong artista sa kanyang mister.

Bidang-bida sa kuwento ang kanyang mister, ito ang pinag-aawayan ng magkakapamilyang artista, pinag-aagawan pa nga!

Kuwento ng aming source na kaibigan ng tunay na misis ng milyonaryong negosyante, “Nakakaloka sila, di ba? Buong-ningning nilang pinag-aagawan ang isang lalaking pamilyado na?

“Escabeche lang naman ang ulam na pare-pareho nilang gusto, pero nag-aaway-away sila? Hindi ba sila nahihiya sa mga kagagahang pinagsasasabi nila?

“Hindi hiwalay sa misis ang milyonaryong businessman! Buo ang family nila, matatalino ang mga anak nila, mga titulado!

“May narinig na ba kayong salita mula sa millionaire guy? Wala, di ba? Deadma lang siya sa mga nangyayaring ‘yan!

“Nakakahiya ang mga babaeng ito, nag-aagawan sila, e, may tunay na may-ari du’n sa lalaki na nanonood lang sa mga drama nila!” natatawang komento ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Female personality kumampi kay ate

TAKANG-taka ang kanilang mga kamag-anak kung bakit biglang nagbago ng posisyon sa away ang isang female personality samantalang maayos naman ang kanilang samahan nu’ng mga nakaraang araw.

Maayos silang nagkukuwentuhan, sabay-sabay pa nga silang kumakain, pero nang magkaroon ng ng gulo ay kumampi ang female personality sa kanyang ate.

Biruan ng mga may alam tungkol sa kuwento, “Natural, kay ate siya kakampi, di ba naman? To the tune of how many bundles kaya ‘yun?

“E, du’n lang naman siya nakasandal kay ate ngayon, e! Wala naman siyang ibang matatakbuhan, kay ate lang talaga! Spoiled kaya siya kay ate!” sabi ng mga miron.

Nakapagtataka nga naman kasi na nu’ng umentra na si ate sa eksena ay bigla nang nag-jump ship si bunso! Napakalaking tandang-pananong ‘yun sa mga kamag-anak nila.

Huling sultada ng aming source, “Para-paraan lang ‘yan! Kung kanino siya mananagana, ano bang prinsipyo ang pinag-uusapan, wala na ‘yun!

“Kung ang pagkampi niya kay ate, e, to the tune of sooo many bundles, aba, bakit siya kakampi sa mga kapatid niyang waley?” humahalakhak nitong komento.

Asawa ni Atong maganda, edukada

SA bibig nahuhuli ang isda. At mga sosyal na isda ang mismong naglalantad ngayon kung paano ang pagkakasunud-sunod ng pakikipagrelasyon nila sa isang lalaki lang.

Ang unang sumuka ay si Nicole, ang pamangkin ni Gretchen na akmang maninipa sa kanya, kaya sinabunutan niya naman ang kanyang pamangkin nang makakuha siya ng tiyempo.

Kuwento ni Nicole, nu’ng hablutin daw ni Gretchen ang napakahaba nitong buhok ay halos bumagsak na ito sa semyento, mabuti na lang at may nakasalo sa kanya.

Diretsong sinabi ni Nicole na inahas ni Gretchen ang kanyang boyfriend na si Atong Ang. Ang sagot naman ni Greta, inagaw lang ni Nicole kay Claudine ang milyonaryong businessman, ganu’n daw.

So, malinaw na ngayon ang sequencing ng mga Barretto sa buhay ni Atong Ang, ang una nitong nakarelasyon ay si Claudine, sumunod ay si Nicole, at ang kasalukuyan ay si Gretchen.

Nakakagulat, hindi na kinailangang mangibang-bayan ni Atong Ang, mula lang sa isang angkan ang mga nakarelasyon nito.

Pero may binibitiwan bang salita si Atong Ang sa kaguluhang ito ng mga Barretto? Wala tayong naririnig. Man of few words kasi ang flawless na negosyanteng milyonaryo.

Pamilyado si Atong Ang, maganda at edukada ang kanyang misis na si Irish, matatalino ang kanilang mga anak at disiplinado kahit mula sila sa buena familia.