Abante Tonite Interactive

Misis ng Korean Air boss ginisa sa Pinay maid smuggling

1,476

Humarap sa Korea Immigration Service nitong Lunes ang asawa ng may-ari ng Korean Air Lines Co., upang ta­nungin hinggil sa alegasyon na kumuha siya ng mga housekeeper mula sa Pilipinas kahit walang visa.

Ayon sa ulat ng Yonhap­ News Agency, dumating si Lee Myung-hee sa Seoul office ng immigration dakong alas-10:00 nang umaga.

Inakusahan siya sa pag­kuha ng tinatayang dalawang dosenang ka­tulong mula sa Pilipinas at pinalabas na trainee ng kompanya.

Upang makapagtrabaho bilang housekeeper sa Korea, ang dayuhan ay kailangang makakuha muna ng visa na iniisyu sa ethnic Koreans o mula sa mga nakapag-asawa ng Korean.

Suspetsa ng mga awtoridad, ginamit ni Lee ang human resources department ng airline at ang kanilang branch sa Maynila para sa pag-recruit ng katulong.

Noong Mayo ay da­lawang beses din humarap sa mga pulis si Lee dahil sa kasong assault, bunga ng pagmumura at pananakit umano nito sa mga empleyado ng Hanjin, ang parent firm ng Korean Air na pinamumunuan ng kanyang asawang si Chairman Cho Yang-ho. (PNA)