Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis ni Cardema haharangin pag-upo sa Kongreso

0 101

Nakahanda umano ang isang grupo ng mga abogado na harangin sa Supreme Court (SC) ang pag-upo ng misis ni dating National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema sa sandaling bigyan ito ng Certificate of Proclamation ng Commission on Elections (Comelec) bilang first nominee ng Duterte Youth party-list.

Inihayag ni Atty. Emil Marañon na dudulog sila sa SC kapag inilabas na ng Comelec ang desisyon nito hinggil sa proklamasyon ni Ducielle Cardema bilang kinatawan ng Duterte Youth party-list sa Kamara.

Ayon kay Marañon, hindi dapat nakasali sa eleksyon noong 2019 ang naturang grupo dahil hindi naman aniya ito rehistrado.

Kaya nagtataka umano sila kung paano napagdesisyonan ng Comelec ang naturang usapin.

Matatandaang na-disqualify si Cardema bilang nominee ng grupo dahil lagpas na ito sa takdang edad para sa mga youth representative. Ipinalit naman ng partido ang kanyang misis bilang first nominee. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.