Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis ni Cardema uupong Duterte youth rep – Comelec

0 74

Inaasahang ipoproklama na ngayong linggo ng Commission on Elections (Comelec) ang misis ni dating National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema bilang kinatawan sa Kamara ng Duterte Youth part-list.

Sinabi ito ni Comelec Chairman Sheriff Abas sa pagharap nito sa budget hearing ng Kamara para sa panukalang budget ng komisyon sa susunod na taon.

SM food to go Banner Ad

“Last two weeks ago, we already granted ‘yong pag-issue ng Certificate of a proclamation to the party-list Duterte Youth with the name of Ducielle Cardema as the representative, finally,” ayon kay Abas.

“May apat na commissioners na nakapirma diyan so hopefully makaka-release kami ng certificate of proclamation within the week,” dagdag pa nito.

Matatandaang noong 2019 elections ay nanalo ang Duterte Youth party-list ng isang puwesto sa Kongreso subalit walang umupong kinatawan nito dahil kinuwestyon ang validity ng mga nominado at party registration nila. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.