Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis ni Ice buking kay Tito Sen

0 302

Ibinunyag ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III na nagawang baguhin ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang kanilang Implementing Rules and Regulations (IRR) ngayong taon para i-takeover ang pamahahala sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa deliberasyon ng Senado sa panukalang budget ng FDCP para sa 2021, inihayag ni Sotto, may-akda ng Republic Act No. 9167 na siyang nagtatag sa FDCP, na hiniling umano ng ahensya kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na mag-isyu ng liham para baguhin ang IRR nito.

Pinamumunuan ni Liza Diño, misis ng singer-songwriter na si Ice Seguerra, ang FDCP bilang chairperson at chief executive officer nito.

SM food to go Banner Ad

“Eighteen years after, you will come up with a new IRR when the original IRR after 2002 was unquestioned? Bakit gagawa ka ngayon ng IRR at bibigyan mo ng bagong power itong Council?” tanong ni Sotto.

Ayon naman kay Senador Risa Hontiveros, sponsor ng FDCP budget, sinabi aniya ng ahensya na hindi kasama sa gagawing bagong IRR ang pagkakaroon ng bagong kapangyarihan ng konseho.

“They say na hindi nila gustong kunin ang MMFF,” sabi ni Hontiveros.

Iginiit naman ni Sotto na dapat manatili sa pamamahala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang MMFF na sinang-ayunan naman ni Senador Francis Tolentino, dating MMDA chairman. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.