Abante Tonite Interactive

Misis ni Japeth hindi ‘magpapalit’ ng damit

0 764

Wear RED everyone!

Ito ang panawagan ng misis ni Japeth Aguilar na si Cassandra ­Naidas sa muli ngayong paghaharap ng Ginebra at Meralco sa Game 3 ng season-ending PBA Governors Cup finals sa Smart Araneta Coliseum.

Sa tweet ng former beauty queen, inilahad nitong isusuot ulit niya ang dating suot na damit sa laban ng Ginebra sa Game 1 kung saan nanaig ang Gin Kings.

Sey ni @cassynaidas, “Tomorrow, I’m gonna wear exactly what I wore during Game 1.”

Magugunitang nagmarka ang 6-foot-9 center/forward ng Gin Kings nang soplain nito ang makapigil-hiningang drive ni Durham sa ­final 11 seconds ng Game 1. (Aivan ­Episcope)