Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis ni judge dedbol sa riding in tandem

0 108

Nasawi ang asawa ng isang hukom matapos na malapitang pagbabarilin ng isa sa riding in tandem habang sakay ang biktima ng kanyang sport utility vehicle sa Ilagan City, Isabela nitong Miyerkoles ng hapon.

Idineklarang dead on arrival sa pinagdalhang ospital dahil sa isang tama ng bala sa mukha ang biktima na kinilalang si Agnes Cabauatan-Palce, 58, asawa ni Judge Ariel Palce ng Ilagan Regional Trial Court Branch 40.

Si Agnes ay nagtatrabaho rin bilang internal audit manager ng Isabela Electric Cooperative 2 (ISELCO 2).

Base sa ulat ng Ilagan City Police, naganap ang krimen kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng Barangay San Felipe sa nasabing lungsod.

Lulan ng Toyota Innova ang biktima at nakaupo sa gitnang bahagi ng sasakyan na minamaneho ng kanyang drayber nang bigla na lang silang dikitan ng motorsiklo ng dalawang suspek kung saan agad na bumunot ng baril ang backrider nito at malapitang binaril ang misis ng hukom.

SM food to go Banner Ad

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Nasapul ng bala ang kanang bahagi ng panga ng biktima na agad isinugod sa Isabela Doctors General Hospital subalit idineklara na rin itong dead on arrival ng sumuring doktor.

Patuloy pa ang masusing imbestigasyon ng pulisya hinggil sa krimen upang matukoy ang mga suspek. Blangko pa ang mga awtoridad sa motibo ng pamamaslang.

Tinitingnan din nila ang lugar kung mayroong CCTV na maaaring makatulong sa isinasagawang imbestigasyon. (Edwin Balasa/Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.