Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis ni mayor nanggulpi ng driver

0 69

Nakuhanan sa video ang ginawang panghahampas ng isang babae sa kapatid ng isang abogado dahil sa alitan tungkol sa lupa.

Kinilala ng Kilusang Maralita sa Kanayunan (KilosKa) ang nanakit na babae na si Virginia Yap, asawa ng alkalde ng Lala, Lanao del Norte na si Angel Yap.

Nag-ugat umano ang kaguluhan matapos ang conference na pinatawag ng provincial sheriff ng Department of Agrarian Reform Adjudication Board Region 10 para ipatupad na ang writ of execution sa pagkapanalo ng walong magsasaka laban sa kanilang landowner na si Yap.

Base sa desisyon, kinilala ang mga magsasaka bilang tenant sa naturang lupa at pinababalik sila sa kanilang lupang sinasakahan.

SM food to go Banner Ad

Sa report ng ‘Frontline Pilipinas’, nagalit umano si Virginia sa mga tumutulong sa walong magsasaka, kasama na rito ang abogadong humawak ng kaso.

“Hindi niya napigilan ang kanyang sarili sa pagwawala dahil nagalit siya nang husto sa mga taong tumutulong sa mga magsasaka o tenants. Sa loob ng sasakyan ang legal counsel Atty. Saidamen Barrat, at mga organisasyon na tumulong upang makuha ng mga magsasaka ang karapatan nila bilang magsasaka at tenante,” ayon sa pahayag ng KilosKa sa Facebook kalakip ang video ng pananakit.

Saad pa ng samahan, kaya nagrereklamo ang mga magsasaka ay dahil pinapatayuan na umano ng subdivision ni Yap ang lupang kanilang pinagsasakahan.

Sasampahan ng kasong physical injury si Yap dahil sa ginawang pananakit nito sa kapatid ng abogado. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.