Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis ni-rape slay, anak dinamay

0 287

Pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay ng hindi pa kilalang mga akyat-bahay ang isang ginang at idinamay pang patayin ang 8-anyos nitong anak nitong Miyerkoles sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.

Walang saplot at duguan dahil sa mga saksak sa katawan nang matagpuan si Noralyn Delfin Eribal, nasa hustong gulang, habang sa kabilang kuwarto naman ay natagpuan ang bangkay ng lalaking anak na sinaksak din ng hindi pa kilalang mga suspek.

Sa ulat ng Isulan Municipal Police Station, natagpuan ang bangkay ng mag-ina sa loob ng kanilang bahay sa Purok Crossing Laud, Brgy. Kalawag 2, Isulan, Sultan Kudarat kahapon ng umaga dahil na rin sa mga bahid ng dugo sa kanilang garahe.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat pa ng pulisya, posibleng pagnanakaw ang unang motibo ng mga suspek dahil nawawala ang ilang mahahalagang gamit sa bahay ng mga biktima.

Posible ring ginahasa bago pinatay ang ginang base sa itsura ng bangkay nito na walang saplot sa katawan.

Nabatid ding sundalo ang mister ng ginang na nataong nasa duty nang maganap ang krimen. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.