Abante Tonite Interactive

Misis nilaslas ng nakaaway na lover

By
538

Nagsasagawa nga­yon ng manhunt operation ang Cavite police laban sa suspek na lover ng isang 40-anyos na ginang na nilaslas ang leeg sa Mendez, Cavite.

Kinilala ang suspek na Carlito Pasada, umano’y lover ng biktimang si Mary Jane Penales, ng Brgy. Panungyan 1, Mendez, Cavite.

Sa report ni PO1 Zyfre Gatpandan dela Peña ng Mendez, Cavite, dakong alas-11:50 ng gabi nang nakatanggap sila ng tawag sa isang concerned citizen hinggil sa natagpuang bangkay ng ginang sa Brgy. Pangyan 1, Mendez, Cavite.

Sa isinagawa nilang imbestigasyon, base sa CCTV footage sa lugar ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek na kanyang lover hanggang sa naganap ang pagpatay.

May bakas ng tali sa leeg ng biktima saka nilaslas pa ito.

Inaalam din ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay.