Abante Tonite Interactive

Misis sinaksak sa dibdib ng construction worker

0 286

Nasawi habang ginagamot sa ospital ang isang ginang matapos itong pagsasaksakin sa dibdib ng isang construction worker sa Gumaca, Quezon Huwebes nang hapon.

Kinilala ng Gumaca police ang biktima na si Emelyn Morante, 46-anyos, residente ng Sitio Teresa, Brgy. Buensuceso.

Batay sa report, nasa loob ng kanilang bahay ang biktima nang pasukin ng 37-anyos na suspek na si Alvin Soriano na kanilang kapitbahay.

Sunod-sunod na inundayan ng saksak ang biktima na nagtamo ng mga tama sa dibdib.

Isinugod pa ito sa San Diego Hospital sa Gumaca subalit binawian din ng buhay.

Nagkasa naman ang mga awtoridad ng manhunt operation sa tumakas na suspek at iniimbestigahan na rin kung bakit ginawa nito ang krimen. (Ronilo Dagos)