Abante Tonite Interactive

Misis sinalpok ng senglot na driver

281

Patay ang isang babae nang salpukin ang sinasakyan nitong tricycle ng motorsiklong minamaneho ng isang umano’y lasing na binata sa Lucena City Martes ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital si Carmelita Capin, 54-anyos.

Sa report ng Lucena City police, nakaangkas ang biktima sa pamasadang tricycle na minamaneho ng mister nitong si Rode­rick Capin, 51, nang salpukin ang mga ito ng motorsiklong minamaneho ni Mark Elgen Abella, 21, sa Brgy. Ibabang Dupay, pasado alas-10:00 ng gabi.

Nawalan umano ng kontrol ang motorsiklo sa kurbadang bahagi, tumawid sa center island at bumangga sa tricycle.

Sugatan ding isinugod sa ospital ang driver ng motorsiklo at ang dalawang angkas nito na sina Chernovil Batac, 21, at Mike Angelo Alday, 21.

Sugatan din ang mister ng nasawing ginang.

Ayon sa imbestigador, nakainom umano ang tatlo at walang suot na helmet.
Sasampahan na rin ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple physical injuries ang suspek. (Ronilo Dagos)