Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis tinarakan ng pedestrian habang angkas ni mister

0 335

Patay ang isang ginang matapos na biglang saksak ng isang lalaking tumatawid sa kalsada habang naka-angkas ang biktima sa motorsiklo ng kanyang mister sa Taytay, Rizal noong Linggo ng madaling-araw.

Naisugod pa sa pagamutan ngunit namatay din ang biktimang nakilala lamang sa pangalang Jamille Caraga dahil sa tinamong malalim na saksak sa dibdib.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang lalaki matapos ang pananaksak.

Batay sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, dakong alas-kuwatro ng madaling-araw nang mangyari ang krimen sa Block O, Lupang Mitra, Brgy. Sta Ana, Taytay.

Angkas umano ang biktima sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang mister patungo sa direksiyon ng Pasig City nang bigla na lang itong lapitan ng suspek at sa hindi pa mabatid na dahilan ay hinalihaw ng saksak sa dibdib ang ginang.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente upang matukoy kung sino ang may kagagawan ng krimen at ano ang motibo nito sa pagpatay. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.