Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis tinarakan ng screwdriver

0 130

Nauwi sa pananaksak ng screwdriver ang mainitang pagtatalo ng magka-live in partner Tanza, Cavite.

Isinugod sa Tanza Specialist Medical Center ang biktimang si Angela Soriano, 32, habang arestado naman ang live-in partner niya na si Jose Cabab, 47, helper ng Brgy Amaya 1.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat, dakong alas-11:30 kamakalawa ng umaga nang naganap ang insidente sa bahay ng suspek nang komprontahin umano ng biktima ang mister. Nairita ang suspek hanggang sa nakakita ng isang screwdriver at pinagsasaksak si Soriano.

Bago pa man makatakas ang suspek ay naaresto na siya ng mga rumespondeng civilian security habang ang biktima ay isinugod sa ospital. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.