Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis tiningga sa ulo

0 155

Patay ang isang ginang nang malapitan itong barilin sa ulo habang naglalakad ng hindi pa nakilalang lalaki sa Barangay Talipapa sa Quezon City, nitong Biyernes ng gabi.

Ang biktima ay si Gelyn Ansong Usares, 45, taga-Road 5, Barangay 164, Caloocan City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas- 9:00 ng gabi (August 27), nang maganap ang insidente sa Road 3 Barangay Talipapa.

SM food to go Banner Ad

Sa imbestigasyon ni PCpl Mark Philip Paule ng CIDU, sinabi ng isang Shierly na abala umano siya sa kanyang sari-sari store nang makarinig ng putok ng baril.

Nang tingnan umano ang pinanggalingan ng putok ay nakita ang duguang katawan ng ginang na nakabulagta habang naglalakad lang papalayo ang suspek na armado ng baril.

Nakasamsam sa crime scene ang SOCO team na pinamumunuan ni PLt. Reynold Tabbada ng (1) deformed fired bullet at (1) heat sealed plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa motibo at pagkakakilanlan ng salarin. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.