Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis tinodas, binalot ng tarp

0 82

Nahaharap sa kasong parricide ang isang mister dahil sa pagpaslang sa kanyang misis na ibinalot muna nito sa tarpaulin saka ibinaon sa isang bakanteng lote bunga ng matinding selos matapos ang mainitang pagtatalo sa kanilang bahay sa Barangay Poblacion,Norzagaray,Bulacan kamakailan.

Base sa isinumiteng report kay P/Col. Charlie A. Cabradilla, Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, nakilala ang suspek na si Jerwin Conda,25-anyos,helper at nakatira sa Barangay Poblacion,Norzagaray.

Nakakulong ngayon ang suspek matapos nitong patayin ang kanyang misis na nakilalang si Rowena Conda,27-anyos at residente din sa lugar .

Nabatid na pasado alas 4:00 ng hapon nitong Biyernes nang madiskubre ng kapatid ng biktima ang nakabaong katawan nito sa isang bakanteng lote sa liblib na lugar sa Barangay Poblacion,Norzagaray kaya kaagad nila itong ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya at hinukay ang lugar.

Dito na nakita ang naaagnas ng bangkay ng biktima at umaalingasaw na at nakabalot ng tarpaulin at dito nabistong ang mister ang may kagagawan ng krimen.

Nabatid na iniulat sa himpilan ng pulisya nakaraang Martes na nawawala ang biktima noon pang Abril 14 hanggang sa makatanggap ng impormasyon ang kaanak ng bikima na ibinaon ito sa liblib na lugar kaya kaagad itong hinukay ng awtoridad at madiskubre ang bangkay ng ginang.

Sa inisyal na imbEstigasyon,lumilitaw na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at mister nito sa kanilang bahay hanggang sa mapatay nito ang sariling asawa bunga ng matinding selos at ibaon niya ito sa bakanteng lote.

Hindi naman tinukoy ng pulisya kung paano pinatay ng suspek ang kanyang misis na boluntaryong sumuko sa himpilan ng pulisya kasama ang kanyang ama at kapatid at aminin ang nagawang krimen.

Naisampa na sa piskalya ang kasong parricide laban sa suspek matapos aminin ang krimen na nag-ugat sa matinding selos.(Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.