Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis tinumba ng sindikato

0 37

Niratrat hanggang sa mapatay ang isang ginang ng hinihinalang drug syndicate sa madilim na bahagi sa Araneta Avenue sa Quezon City, Martes ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang sa pamamagitan ng kaniyang ID na si Lovely Empal, nasa hustong gulang, taga-Gagalangin, Tondo. Siya ay namatay noon din sanhi ng tinamong bala ng di-batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-11:30 ng gabi (Sept. 15) nang maganap ang pamamaril sa kanto ng G. Araneta at Victory Avenues sa Barangay Tatalon, QC.

Sa imbestigasyon ni PCpl. Nido Gevero Jr., ng CIDU-QCP, abala umano sa trabaho si Eustaquia Antonio, volunteer ng Police Hotline Movement nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril.

Nang puntahan ang lugar nakita niya ang duguang katawan ng babae na nakabulagta na subalit hindi na nito naabutan pa ang gunman. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.