Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis todas sa umbag ni korporal

0 282

Patay ang isang misis dahil umano sa grabeng pambubugbog ng mister nitong pulis sa Koronadal City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat ni Police Lt. Annaliza Dominggo, tagapagsalita ng Womens and Children Protection Desk (WCPD) ng Koronadal City PNP, Disyembre 12 ng umaga nang dumaing ang biktimang si Davy Joy Habagat, 37, ng sobrang pananakit ng ulo bago ito nawalan ng ulirat.

Agad itong sinugod sa Dr. Arturo Pingoy Medical Center subalit dineklara na itong dead on arrival.

SM food to go Banner Ad

Sa autopsiya, nakitaan ang bangkay ng mga pasa at pamamaga sa ibat ibang bahagi ng katawan na sanhi ng pambubugbog.

Nauna dito, Disyembre 9 ng gabi nang bugbugin umano ang biktima ng kanyang asawang pulis na si Police Corporal Edwin Habagat, nakatalaga sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng Police Regional Office -12, sa kanilang bahay sa Purok Paglaum, Barangay Paraiso, sa hindi pa batid na dahilan.

Makalipas ang 3-araw, dumaing ang biktima sa kanyang ina ng sobrang pananakit ng ulo at katawan hanggang sa bigla na lang itong mawalan ng malay.

Nang malaman ng suspek ang nangyari ay agad itong tumakas. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.