Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis tsinugi saka nag-suicide

0 242

Sa tindi ng selos matapos malamang may ka-text na ibang lalaki ang kanyang live-in partner, pinagtataga ito ng kanyang lover at nang mapuruhan ay nagpakamatay din kamakalawa sa Mlang, North Cotabato.

Ang di na pinangalanang magdyowa ay nasa edad 35 (ginang) habang ang lover nito’y nasa 38-anyos.

Patay na ang dalawa nang datnan ng mga pulis at kaanak.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa report ng Mlang PNP, lumitaw na selos ang motibo sa pagpatay.

Bago ang insidente, napag-alamang nagtalo ang mag-live in nang paulit-ulit na akusahan ng lalaki ang babae na may ibang karelasyon matapos mahuling may ka-text.

Sinasabing pilit na kinukuha ng lalaki ang cellphone ng live-in partner ngunit nang pumalag ito ay pinagtataga ng itak ng lalaki.

Nang makitang duguan at napuruhan ang ka-live in ay ginilitan din ng suspek ang sariling leeg gamit ang itak na siya nitong ikinasawi. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.