Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis tsugi sa mic ng videoke

0 117

Isa na naman ang naitalang nasawi nang dahil sa karaoke pero hindi dahil sa kanta o sa away sa kanta, kundi dahil sa pagkakakuryente ng isang babae sa Aurora.

Sa report, nangyari ito nitong Linggo kung saan nakuryente sa hawak na mikropono ng videoke ang biktima na si Mary Jane Macahipay, ng Barangay 1 Poblacion sa Casiguran, Aurora.

Sinabi ng asawa ng biktima na si Matt, una siyang nakuryente ng mikropono pero nakaligtas siya nang mahila ito ng kanyang ina.

Nang dumating ang kanyang asawa ay nahawakan nito ang mikropono.

Ilang saglit lang ay bigla na lang umano itong nanigas at sumubsob.

Dinala pa sa ospital ang biktima pero namatay din ito kinalaunan.

Nauna rito, nitong nakaraang buwan ay isa rin ang nagbuwis-buhay sa isang resort sa Pampanga nang mahawakan nito ang grounded na mic ng videoke. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.