Abante Tonite Interactive

Mislatel ownership ililipat sa Dennis Uy consortium

By
228

Sinang-ayunan ng Senate committee on public services ang pag-apruba ng Kamara na isalin ang pagmamay-ari ng Mislatel Islamic Telephone Company Inc. (Mislatel) sa mga consortium partner nito na pinamumunuan ng negosyanteng si Dennis Uy.

Ito’y matapos kuwestyunin sa pagdinig ng komite hinggil sa 3rd telco player ang validity ng prangkisa ng Mislatel.

Pag-aari ni Uy ang consortium na binubuo ng Udenna Corporation at Chelsea Logistics Holdings Corporation na kasama ang China Telecom ay hinirang na 3rd telco player ng Department of Information and Communications Technology.

Bilang chairperson ng komite, inendorso ni Senadora Grace Poe sa plenary ang House Concurrent Resolution No. 23 na nagpapahintulot sa paglilipat ng majority shares ng Mislatel sa consortium.

Ngayong Miyerkoles nakatakdang pagbotohan ng Senado ang naturang resolusyon.