Abante Tonite Interactive

Miss Earth Korea Suhyun Song flawless

By
492

Si Suhyun Song ang pambatong kandidata ng Korea para sa Miss Earth 2018 na gaganapin sa November 3, 2018 sa Mall of Asia. Siya ay look-alike ni Bianca Manalo na isa ring beauty queen.

Flawless ang taglay na alindog ni Suhyun. Idagdag pa ang kanyang tangkad, magandang mukha, at nakagigigil niyang kaseksi­han, winner na agad ang tindig ng dalagang Korea­na.

Siya ay 25 years old, may taas na 175 cm, at ang vital statistics ay 86 cm – 61 cm – 94 cm. Si Suhyun ay isang professional model, actress, at isang Broadcasting and Entertainment student.

Ang hometown ng dalaga ay ang Daegu at siya ay nakakapagsalita ng dalawang lenggu­wahe, ang Korean at English.

Ang paboritong sport niya ay skiing, kaya enjoy siyang mag-snow skiing kapag winter at water skiing naman kapag summer.

Ipinagmamalaki ni Suhyun ang kanyang bansang Korea bilang isa sa pinakaligtas na bansa sa mundo.