Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Miss Q and A Tanza

0 110

Dahil sa pandemya, halos lahat ng aktibidad ginagawa na via online. Pati mga fiesta sa barangay at iba pang kasiyahan, virtual nang idinaraos. Nitong nagdaang lingo, online din ang coronation night ng pageant dito sa Tanza na tinawag na ‘Miss Q and A’. Itinaon ito noong isang buwan kung kailan din ginunita ang ‘Pride Month’.

Confidence, wit and purpose – ‘Yan ang pinatunayan ng mga kandidata sa Miss Q and A Tanza 2021. Mula sa labindalawang finalists na nagtagisan sa pageant na ito, kinoronahan bilang 2nd runner up si Kevin Cenizal na mula sa Barangay Julugan. First runner up naman si Melai Tiposo na taga Paradahan Uno.

Ang nag-uwi ng korona, walang iba kundi ang salon owner na si Jovi Garcia na taga-barangay Daang Amaya Tres.

Passion daw talaga ni Jovi ang sumali sa mga pageant. Katunayan, isa siyang kontesera. Pero dahil sa pandemic, nahinto raw ang pagsali niya sa mga contest. Bawal pa rin kasi ang mass gathering dahil sa Covid-19 pandemic.

Kuwento ni Jovi, sa lahat ng sinalihan niyang pageants, ni minsan hindi pa raw siya nag-uwi ng korona. Kung manalo man, hindi title holder. Kaya ni sa hinagap, hindi niya raw inakalang siya ang hihiranging ‘Miss Q and A’ Tanza 2021.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ni Jovi, matagal daw bago nag-sink in sa kanyang siya ang nagwagi. Sa pagkapanalo niya, nais niyang unti-unting mawala ang diskriminasyon na nararanasan ng mga kapwa niyang kasapi sa LGBTQIA plus community.

Sa Q and A ng pageant, ito ang nagging sagot ni Jovi – ‘Isa sa mga pinakahinaharap ng mga nasa LGBTQIA plus ay ang diskriminasyon. Hindi lang diskriminasyon sa ibang tao, kung ‘di diskriminasyon sa aming komunidad. At the end of the day, we are all the same. We are still human. At kahit sino pa man na sektor ng ating mundo, you must respect our rights.’

Bukod dito, nais din ni Jovi na magsilbing inspirasyon sa mga kabataan at mga miyembro ng third sex na gusto ring sumali sa mga ganitong contest.

Sa ngayon, pinagpaplanuhan na kung magkakaroon ng Miss Q and A sa buong cavite. Pag nagkataon, si Jovi ang magiging representative ng bayan ng Tanza sa nasabing pageant.

Sa totoo lang, hindi hadlang ang pandemya para ipakita sa publiko ng mga kababayan natin ang angkin nilang galing, husay at ganda. Lahat naman ngayon, puwede nang gawin via online! (with reports from Jhezzarie Doneza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.