Abante Tonite Interactive

Miss U Catriona tutok sa trabaho

139

tonite-imo-vinia-vivar

Sa first Instagram post ng reigning Miss Universe na si Catriona Gray ngayong 2019, nagbalik-tanaw siya sa kanyang nakaraang taon na punong-puno ng unforgettable experience na siyempre, ang pinaka-highlight ay ang pagkakapanalo niya Miss U nitong nakaraang Disyembre.

“What can I say? 2018 has been one of the craziest, rollercoaster years of my life.

“I overcame fears and joined @bbpilipinasofficial, trusted in my vision and creativity, found a family and support system in my friends and @favor.church, I released my first music single #WereInThisTogether for @youngfocusph, advocated for @love­yourself.ph, travelled my beloved country and raised the Philippine flag on the @missuniverse stage,” pahayag ni Catriona.

“Looking back, I can see that I’ve grown so much, as a person, in revelation and in faith. I have so much to be grateful for and in bidding farewell to 2018, my heart is full,” patuloy niya
At ngayong 2019, excited na si Catriona for the busy days ahead of her bilang Miss Universe.

“2019 you’re bound to be one of the most unforgettable years of my life…I’m ready for you.

“Wishing you all an amazing start to your new year! Let’s make this the most amazing year yet,” pagtatapos ng beauty queen.

Angelica inisnab ang gamot ni Lloydie

Ang mga CarGel fan ay hoping na magkatuluyan sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.

Ang nakakatawa, pati ‘yung Bioflu sa tweet ni Angel ay nalagyan ng meaning. Mabuti na lang daw at hindi ‘yung dating in-endorse ng ex-boyfriend nito na si John Lloyd Cruz.

May mga nag-comment din na wala na raw bawian at ituloy na niya ang pagpapakasal this year.

Well, hindi na rin naman bumabata si Angelica kaya, why not, coconut? Kung sino ang groom, that remains to be seen.

Liza walang itinira sa Instagram

Iba naman ang gimik ni Liza Soberano sa pagsisimula ng taon. Binura niya ang lahat ng mga Instagram post niya at walang itinira kahit ano.

As of yesterday, walang kalaman-laman ang kanyang Instagram maliban sa isang IG story na siyang kauna-unahang post niya for this year.

“First selfie this 2019,” caption niya sa taas.

Sa ibaba naman, she wrote, “don’t worry guys im not hacked. Just wanted a fresh start!”

Sa kasalukuyan ay may 8.8 million follo­wers si Liza sa IG na for sure ay naghihintay ng kanyang unang post.

***

Very memorable para sa cute at tinaguriang “little person” na si Jo Berry ang taong 2018 dahil sa taong ito, nakamit niya ang biggest break ever sa kanyang buhay at ito ay ang pagbibida sa sarili niyang tele­serye, ang Onanay ng GMA-7 kung saan ay nakasama pa niya ang Superstar na si Nora Aunor, gayundin ang magaling na kontrabidang aktres na si Cherie Gil.

Nag-post si Jo ng pasasalamat sa kanyang Instagram account at, aniya, ang Onanay ang highlight ng kanyang 2018.

“It was a life-changing year for me! Hi Onay! Ikaw ang highlight ng taon ko.

“Sinubok mo ako ng husto 2018 Mara­ming salamat sa lahat ng nawala at nanatili sa buhay ko. Ang dami kong natutunan. My heart is grateful for all the bles­sings. Thank you po!

“Happy new year e­veryone! Hmmm… excited nako 2019!” ang post ni Jo.

Kami man ay natutuwa kay Jo dahil sa napaka-positive na outlook niya sa buhay. At sinasaluduhan namin talaga ang kanyang mga magulang for raising her the way she is now.