Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Miss U PH puwedeng isanla ang korona-Vice

0 373

NI: VINIA VIVAR

Panay ang tweet ni Vice Ganda habang nanonood ng Miss Universe Philippines 2020 kahapon. Tulad ng ibang gays, noon pa ay fanatic na talaga ang Unkabogable Star ng mga beauty pageants at halos wala siya talagang pinapalampas.

Ugali na rin niya na habang nanonood siya ay tweet siya ng tweet ng kanyang mga opinyon.

Maaga pa lang ay bet na rin ni Vice Ganda ang nagwaging si Rabiya Mateo of Ilo-ilo. Tweet niya during the top 16, “Ganda ni Iloilo. Queenly si QC. Bet ko chukchak sa Top 16 ni Cavite and Parañaque. Pero pinaka gorgeous ung nasa ____ Ako lang naman to! O loko.”

Isa pa niyang tweet, “ganda ng boses ni Parañaque. Pang waze. O loko!”

SM food to go Banner Ad

Hirit pa niya, “pag nagipit ang winner pwede nya isanla ang crown sa _____. O loko.”

Nag-comment din siya sa beauty ni Rabiya ng “Magkafez si Shamcey and Miss Iloilo! O loko.”

Samantala, ilang oras pa lang matapos ang pageant ay naging kontrobersyal na agad dahil sa sunod-sunod na Instagram Stories ng isa sa mga kandidata na si Sandra Lemonon.

Nabura na ang iba sa kanyang mga IGS pero nakunan na ng screenshots ng ibang netizens kaya kumalat na rin sa social media at mga news sites.

Tila may pasasabugin si Sandra base sa kanyang mga post. Komento naman ng ibang netizens ay nagmamaasim o sourgraping lang ang kandidata since natalo nga ito.

Well, abangan na lang natin kung ano ang pasabog ni Sandra. (Vinia Vivar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.