Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Miss U Spain pinapila kay Alden

0 60

NI: BETH GELENA

Tatahi-tahimik lang itong si Alden Richards ‘yun pala nakikipag-date na sa isang beauty queen.

Hindi lang basta beauty queen kundi ang Miss Universe Spain 2021 na si Sarah Loinaz.

Kamakailan,naispatan si Miss Spain sa Balay Dako Restaurant, Tagaytay City, with Miss Universe Bahrain 2021 Jess Deyani at Xpedition publisher at editor in chief Josh Yugen, among others.

May larawan ding ipinost si Josh na kasama ang aktor.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Esplika niya, si Alden daw ang first male cover sa kanilang magazine.

Umani ng mga komento ang larawan nila Alden at Sarah.

“The Next Dayanara Torres?” referring sa love story ni Miss.Universe Dayanara at ng aktor na si Aga Muhlach years ago.

“Baka may balak (siya) pasukin ang Philippine Showbiz after Amparo Muñoz,ang late Miss Universe 1974.”

“Pumila ka,” another Facebook user commented sa kanilang picture.

Leave A Reply

Your email address will not be published.