Abante Tonite Interactive

Miss Universe, MULTI-NETWORK ang telecast

By
21

HAVEY: Habang ina­abangan natin ang gaganaping Miss Universe sa ating bansa sa Enero, puspusan na ang preparasyon ng mga taong involved sa pangunguna ng Department Of Tourism sa pakikipagtulungan sa Miss Universe Organization.

Kabilang din sa mga punong abala ay ang mga kaibigan nating DOT Undersecretary Kat de Castro at Mercator Head na si Jonas Gaffud.

Ang balita, instead of just having one network taking charge sa telecast ay ibubukas ito sa lahat ng channels.

Abante Hiring – IT dep

Balitang handa na sa concepts na pre-pageant activities ang ABS-CBN at TV5.

Ang GMA 7 eh may Miss World na pinagkakaabalahan naman. Ang PTV4 at CNN, siguro eh may regular news reports.

***

t-02-waley-(cmyk)WA­LEY: Pasko na, sinta ko?! Panahon nga kaya ng break up nga­yon?

Da­la­wang showbiz couples ang naba­litaan naming naghiwalay.

Ang una ay isang band vocalist na may matagal nang relasyon sa isang courtside reporter.

Matagal nang hinuhulaan ang paghihiwalay nila dahil sa pagka-clingy ng babae at parang wala nang nagiging progress ang kanilang pagsasama.

Hindi rin ikinaangat ng careers nila ang kanilang relasyon.

Isa pang couple na nag-break na ulit ay isang TV host na dating may karelasyong TV host din na ex ng isang aktres.

Parang magulo at nakakapagod ang relationship nila.

Off and on at away-bati silang dalawa, at parang hindi bine-bless ng Diyos ang kanilang pagsasama dahil they’ve just kept to themselves.

Now, they have separated again. Magkabalikan man sila at magkahiwalay muli ay hindi na ikakagulat ng mga tao.

I hope Christmas will be kinder to other couples.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.