Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Missing dalaga tinapon bangkay sa sapa

0 141

Bangkay na nang matagpuan ang isang dalaga na napaulat na nawawala matapos itong pumasok sa opisina kamakailan sa Guiguonto, Bulacan

Base sa inisyal na imbestigasyon, Hulyo 2, ng umaga huling namataan ang biktimang si Princess Dianne Dayor, na papasok umano ito sa kanyang trabaho.

Pero base sa kanyang mga kasamahan, hindi ito nakapag-report sa trabaho hanggang sa naging palaisipan ang pagkawala nito.

Nitong Martes, Hulyo 5, ilang residente sa Barangay Tabang, Guiguinto, Bulacan, ang nakatagpo sa katawan ng biktima na nakahandusay sa sapa na wala nang buhay.

SM food to go Banner Ad

Agad na inireport sa pulisya ang insidente na nirespondehan naman at kinuha ang bangkay.

Nagpaabot naman ng taus pusong pakikiramay ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Tabang sa naulila ni Dayor.

Kasabay nito ay nanawagan sa gobyerno ang pamilya at kaibigan ng biktima na magkaroon ng malawakang pagsisiyasat para sa ikalulutas ng kaso at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito. (Betchai Julian/MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.