Abante Tonite Interactive

MISSION ACCOMPLISHED!

6

Maganda ang resulta ng 2016 para sa De La Salle Green Archers at San Beda College Red Lions dahil natupad ang misyon nilang maibalik ang korona sa kanilang bakuran.

Nabigong sikwatin ang six-peat sa 91st NCAA men’s basketball tournament noong 2015 laban sa Letran Knights, nakalawit ng Beda ang titulo ngayong 92nd season.

Winalis ng Mendiola-based squad ang Arellano University Chiefs sa best-of-three Finals para ilista ang record 20th NCAA title at manatiling may pinakamaraming kampeo­nato sa college league.

Nagkaroon muna ng pangamba ang Red Lions sa kanilang paglalakbay tungo sa kampeonato, nabigo sila na walisin ang first round matapos patirin ng Jose Rizal University Heavy Bombers 79-73.

At sa kaagahan ng second round, halos manlumo ang Red Lions nang ibalitang hindi na makakapaglaro ang pambatong sentro na si Donald Tankuoa sa nalalabing bahagi ng season.
Nagkaroon si Came­roonian slotman Tankuoa ng ACL (anterior cruciate ligament) injury matapos kaldagin ang Emilio Aguinaldo College 90-82.

Sa pagkawala ni Tankuoa ay lumabas ang laro ng ibang miyembro ng San Beda, isa na rito si big man Benedict Adamos.

Lalo ring bumangis sina Fil-American Davon Potts, Jayvee Mocon, Robert Bollick at si Finals MVP Cameroonian Arnaud Noah dahilan para mapangiti ng Red Lions ang kanilang supporters.

(Itutuloy bukas)