Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mister balak kalasan, misis tsinugi

0 88

NAHAHARAP sa kasong parricide ang isang mister matapos nitong patayin ang kanyang misis sa Barangay Sacsac, Manjuyod, Negros Oriental.

Kinilala ang suspek na si Lindio Ejercito, 40, na pumaslang sa misis niyang si Analita matapos silang magtalo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Napag-alaman na nag-ugat ang pagtatalo ng mag-asawa nang tangkain umano ng ginang na iwan na ang kanyang mister.

“After receiving a report, we immediately responded to the crime scene and were able to arrest the suspect,” sinabi ni Staff Sgt. Elixir Badoy, ng Manjuyod police.

Kasalukuyang isinasagawa ang post-mortem examination sa labi ng biktima habang hawak na ng pulis ang suspek. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.