Abante Tonite Interactive

Mister Donut branch ipinasara sa kadiri photo

By
2,847

Ipinasara ng pamunuan ng Mister Donut ang shop nito kung saan nakunan ng litrato ang isang babaeng crew na ginawang tapakan ng isang kahon ng donut habang nakaupo at nagsi-cellphone ito.

“Following the incident showing the mishandling of our products, we would like to inform our patrons, followers and the general public that the management of Mister Donut has ordered the concerned shop to cease their operation,” sabi ng Mister Donut.

Para sa kompanya, isa umano itong ‘isola­ted case’ pero iniimbestigahan na ng pamunuan ang insidente.

Abante Hiring – IT dep

Sabi ng netizen na si Paulo Santos, paborito niya ang Mister Donut ‘since birth’ kaya lang dahil marami na siyang “naobserbahan sa mga kababuyan ng mga crew nila huminto nako.”

Paborito rin ng netizen na si Julia Elaiza Primo Nha ang Mister Donut na kakakita pa lang ng viral photo sa social media nang pinasalubungan siya ng kapatid niya ng donut.

Pero kumalma siya nang sabihin diumano ng kapatid kung saan binili ang donut.

“Pero nababagabag pa din ako sa mga nababasa kong comment, madumi ang mr. donut. Simula bata ako, sila na tinangkilik ko tapos malalaman kong marumi pala. Dapat sa inyo idemanda,” sabi niya.

Tinatanong naman ni Don Manlapaz kung may ‘roving quality control’ na tauhan ang kompanya na nagbabantay sa quality, hand­ling at storage ng mga produkto nito.

“I think it’s quite evident that this is not an isolated case,” sabi ni Mayick Capistrano-Dumandan. “Take time to read the other comments…wag puro pagdedefend sa sarili ang gawin. Ang daming comments na nagmention ng ibang branch niyo na pabaya oh!!! Basa basa din! Kadiri kayo.”

Iniimbestigahan ng Mister Donut ang pangyayari.

Dagdag pa ng kompanya: “We will definitely­ take steps to ensure that our stores adhere to the standards and procedures that we set in both handling our products and ser­ving our customers.”