Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mister, kabit huli sa lampungan, sinakyod ni misis

0 581

MALUBHANG nasugatan ang isang 43-anyos na babae matapos mahuli ng legal wife na aktong nakikipagtalik sa kanyang mister sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan noong Martes.

Ayon kay Mangaldan Police Station (MPS) chief-of-police P/Lt. Col. Jun Wacnag, ang biktima ay itinago sa pangalang Minda, ng nasabing bayan.

Ang suspek naman ay si Rose (di tunay na pangalan), kapitbahay ng biktima.

Sa imbestigasyon, ayon kay Wacnag, matagal na umanong palihim ang relasyon nina Minda at asawa ni Rose na itinago sa pangalang Lando.

Bago ang insidente, ayon sa pulisya, nagpunta ang biktima sa bahay ng suspek upang makipag-inuman dahil sa kaarawan ng lalaki. Dahil duda na rin na ang legal na asawa, palihim nitong tinutukan ang ganap ng dalawa hanggang sa mahuli nito ang dalawa.

Nakatakbo ang lalaki at naiwang nakahiga ang babae. Nagdilim ang paningin si Rose at pinagsasaksak si Minda.

Ayon kay Wacnag, posibleng kaharapin ng illegal lovers ang kasong Adultery at Concubinage. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.