Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mister karinyo brutal kay misis, hinawla

0 331

Malubhang nasugatan ang 40-anyos na ginang makaraang gawing ‘punching bag’ at hindi pa nasiyahan ay sinaksak pa sa braso ng umanoy selosong mister sa Riverside Market sa Quezon City, nitong Biyernes ng gabi.

Ang biktima ay si Marissa, 40, kasambahay at misis ng suspek na si Pedro Laguardia, 40, vendor, at taga-Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Sa report nina PSMS Mary Jane R Balbuena at PCpl Michelle Ram C Dela Paz, ng Batasan Police Station 6, Women and Children Protection Desk, alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Riverside Market, Brgy Commonwealth, QC.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa imbestigasyon, galing sa trabaho at pauwi na umano ang biktima sa kanilang tahanan nang sumulpot sa kaniyang likuran ang karinyo-brutal niyang mister na armado ng patalim.

Nagulat na lamang umano ang misis nang bigla siyang suntukin sa mukha at tiyan ng mister. Hindi pa nakuntento ang suspek, inundayan pa ng saksak sa kaliwang braso ang biktima. Agad namang naawat ang nagwawalang suspek ng mga saksi sa palengke.

Kinabukasan (May 2) inireklamo ng biktima sa Batasan Police Station ang mister kaya agad dinakip nina PCpl Bryan Dave Garcia at PCpl Mark Christopher Adrigado at ngayo’y nakakulong. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.