Abante Tonite Interactive

Mister kinatay ni ESMI

By
874

Napatay ng isang ginang ang kanyang mister matapos ang matinding pag-aaway ng mag-asawa sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City nitong Martes ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Rannie Calpito Tomas, 47-anyos at isang mekaniko samantalang nakatakas naman ang kanyang misis na si Marynor Mina Tomas.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Marlon dela Vega ng Quezon City Police District (QCPD)-Criminal Investigation and Detection Unit, nangyari ang krimen dakong ala-1:40 ng madaling-araw sa loob ng tahanan ng mag-asawa na naninirahan sa Ruby St., ROTC Hunters sa Brgy. Tatalon.

Batay sa pahayag ni Imelda, kapatid ng biktima, natutulog siya nang magising dahil sa ingay ng nagtatalong mag-asawa.

Dahil sa away mag-asawa ay hindi na lamang umano nakialam si Imelda, subalit big­la na lamang niyang narinig na humihingi ng saklolo ang kanyang kapatid kaya agad niya itong pinuntahan.

Doon nakita ni Imelda na hawak ng biktima ang kanyang tiyan habang umaagos ang dugo at wala na ang misis nitong si Marynor.

Agad na tinawag ni Imelda ang kanilang nanay na si Aling Juliana at isinugod sa Delos Santos Hospital ang kapatid na duguan subalit binawian din ito ng buhay.

Natagpuan ng mga awtoridad sa pinangyari­han ng krimen ang kutsilyo na may 10 pulgada ang haba na ginamit sa pananaksak ni Marynor sa kanyang mister. ­