Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mister, kumare buking sa motel ni misis

0 351

NAGLALAGABLAB pa rin sa galit ang isang ginang nang ikuwento niya sa San Carlos City Police Station (SCCPS) kung paano niya nahuli ang kanyang mister at ang kalaguyo nito, na mismong kumare pa niya, habang aktong nangangaliwa sa San Carlos City, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ng SCSPS ang nagreklamong ginang na si Amelia, di tunay na pangalan, ng Barangay Bolosan, ng nasabing siyudad.

Sa ulat ng SCCPS, batay sa testimonya ni Amelia, matagal na umano siyang naghihinala na may relasyon ang mister niya at si kumare kaya sinundan niya ang asawa nang minsang maghatid ito ng mais.

Sinabi ng pulisya, nang makitang pumasok sa Inn ang mister, hindi raw pinayagan si Amelia ng mga staff ng motel na pumasok kaya 3-oras siyang naghintay sa labas.

Sa isang amateur video at larawan, makikita ang umano’y mister at ang kumare na lumabas mula sa isang kuwarto ng motel.

“Magbabayad ka!,” galit na galit na sinabi ng ginang. “Mga baboy kayo!”

Wala pang pahayag ang mister ni Amelia ganoon din ang karelasyon niyang babae. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.