Abante Tonite Interactive

Mister na kumatay, kumain ng utak ni misis hindi naka-droga

By
5,182

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na negatibo sa paggamit ng iligal na droga ang isang mister na pinatay sa karumal-dumal na paraan ang kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Holy Spi­rit, Quezon City noong Linggo ng hapon.

Pero wala umano sa katinuan ng isip ang suspek na si ­Orlando Lucernas Estrera, 43-anyos, nang katayin ang kanyang misis na si Heidi Espinosa Estrera, 46-anyos.

Kaugnay nito, isinampa na ang kasong parricide laban sa suspek sa Quezon City Regio­nal Trial Court matapos irekomenda ni Assistant City Prosecutor Nicasio Rosales na may probable cause para kasuhan ito batay sa masusing ebalwasyon at ebidensiyang iprinisinta sa piskalya.