Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mister na may kabit 8 taon kulong

0 305

Pinagtibay ng Supreme Court (SC), ang naunang desisyon ng Court of Appeals (CA) na patawan ng hanggang 8 taon pagkabilanggo ang isang mister dahil sa pangangaliwa.

Ayon sa SC, ikinokonsidera sa kanilang desisyon na ang pagkakaroon ng kabit ay isang sikolohikal na pang-aabuso. Napatunayan ng korte na dahil sa pagtataksil ng mister, nakaranas ng paghihirap sa kaisipan at emosyon ng tunay niyang asawa.

Una nang kinasuhan ang ‘di pinangalanang lalaki sa sa Las Piñas Regional Trial Court at napatunayang guilty sa psychological abuse noong Oktubre 2017. Inatasan siya na magbayad ng P100,000 multa at P25,000 bilang moral damage.

Sa record ng korte, nagpakasal ang mag-asawa noong 1989 pero 2017 nang malaman ng misis na may kabit at tatlong anak dito ang mister kaya sinampahan ito ng kaso. Naayos naman umano ito nang pumayag ang lalaki na hindi na makikipagkita sa kanyang kabit pero nabigo sa pangako.

Makalipas ang 2 buwan ay iniwan niya ang misis at sa tulong ng National Bureau of Investigation nalaman na bumalik ito sa kanyang kabit. (Juliet debLoza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.