Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mister nag-overtake, misis nagulungan ng tanker

0 76

NAUWI sa trahediya ang masaya sanang pamamasyal ng mag-asawa sa selebrasyon ng Araw ng mga Puso nang mahulog sa motorisklo ang 23-anyos na babae at nagulungan ng gas tanker sa Amadeo, Cavite.

Dead on the sport si Judy Ann Piamonte, ng Brgy Manggahan, Gen Trias City, Cavite habang hawak na ng pulisya ang driver ng gas tanker na si Rolando Obsioma, 49, ng Brgy Bagtas, Tanza, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Ivan Cris Baysa ng Gen Trias City Police Station, ika-kamakalawa ng umaga, nakaangkas si Judy Ann sa motorisklo ng asawang si Mario Nilo Piamonte, 26, patungo sana sa Tagyatay City upang i-celebrtate ang kanilang Valentine’s day nang pagsapit sa nasabing lugar ay tinangka ni Mario na mag-overtake sa gas tanker subalit tumama ang gulong nito sa isang bato sa kalsada dahilan upang mawalan ito ng balanse.

Doon ay nahulog ang angkas nitong misis at tumilapon sa harapan ng tanker dahilan upang magulungan ito at masawi. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.