Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mister naglaslas ng pulso

0 81

Natagpuang patay ang isang mister at may malalim na sugat sa kanang pulso nitong New Year’s Eve sa Quezon City.

Sa late entry report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-10:00 ng gabi (December 31) nang matagpuan ang bangkay ng 35-anyos na biktima sa loob ng kaniyang tahanan.

Sa imbestigasyon ni PSSg Julius P Raz, bago natagpuan ang bangkay, sinabi ng misis ng biktima na nagtungo sila ng kanyang anak sa kamag-anak sa Bgry. Old Balara.

SM food to go Banner Ad

Pero pag-uwi umano ng mag-ina ay walang nagbubukas sa kanila ng pinto.

Pagsilip sa biktima ay doon na Nakita ang duguang katawan ng mister kaya agad nang nagpasaklolo.

Ayon kay PLt. Michael Jabel, ng SOCO, nasamsam sa tabi ng bangkay ang isang metal cutter na hinihinalang ginamit ng mister sa paglaslas ng kanyang pulso. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.