Abante Tonite Interactive

Mister nagwala, bahay sinunog

387

Umaabot sa 30 pa­milya ang nawalan ng ta­hanan matapos umanong silaban ng isang lalaki ang kaniyang sariling bahay na naging dahilan ng sunog sa mga kabahayan sa Barangay Payatas, Quezon City.

Sumiklab ang sunog alas-kuwatro Linggo ng madaling-araw sa ­Santan Street, Mijares compound. Bago ito, nakarinig umano ang isang residente na tila may nag-aaway sa loob ng tahanan ng isang Emelita Mijares kung saan diumano nagmula ang apoy.

Isang nakilalang Jojo Mijares ang nagbanta ­diumano na susunugin ang kanilang bahay. Kasunod nito ang pagliyab ng apoy na mabilis na kumalat sa mga katabing kabahayan. Alas-sais ng umaga nang maapula ang apoy na kumalat sa 15 kabahayan na tinitirhan ng 30 pamilya.

Nahirapan umano ang mga bombero sa pag-apula sa sunog na umabot sa ikalawang alarma dahil sa makitid na mga daan sa lugar at mahinang pressure mula sa water hydrant.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang tunay na dahilan ng pagsiklab ng apoy. (Dolly B. Cabreza)