Abante Tonite Interactive

Mister nahuling nangangaliwa

1,372

Dear Atty. Claire,
Good morning po atty. Claire, gusto ko lang po sanang humi­ngi ng payo sa inyo regarding po sa problema ko. Nahuli ko po kasi sa messenger namin ang pangangaliwa ng asawa ko sa akin at hindi naman niya ito itinanggi. Tanong ko lang po, grounds na po ba ito para kasuhan ko siya ng adultery? At kung sakali po ba mawawalan siya ng karapatan na lumapit sa anak namin?

Sana po matulu­ngan niyo ako sa aking problema.

May nakuha na rin po ako ng conversation sa phone and her confession po sa akin.

Salamat po,
Eli

Mr. Eli,
Ang kasong adultery ayon sa Revised Penal Code ay: “Adultery is committed by any married woman who shall have sexual­ intercourse with a man not her husband and by the man, who has carnal knowledge of her knowing her to be married, even if the marriage be subsequently declared void.” (Article 333 of the Revised Penal Code).

Kung mayroon kang ebidensiya at testigo na magpapatunay na siya ay nakikipagrelasyon at nakikipagniig (sexual act) sa ibang lalaki ay malamang na siya ay mahuhusgahan na guilty sa kasong adultery. Kung ang lalaki na kalaguyo ay alam na ang babae ay may asawa ngunit pinagpapatuloy pa rin ang imoral na relasyon ay makakasama siyang makakasuhan sa kasong adultery.

Ang testimonya ng messenger ninyo at ang pagtatapat niya ng katotohan sa iyo ay maaaring sapat na upang siya ay masabing guilty.

Ang isang ina ay mawawalan din ng karapatan na mabig­yan ng karapatan sa kustodiya sa bata kapag siya ay napatunayan na imoral at ito ay hindi magandang ehemplo sa mga bata.

Ayon sa Article 213 of the Family Code provides that “[n]o child under seven years of age shall be separated from the mother, unless the court finds compelling reasons to order otherwise.”

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com