Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mister nanggigil: Pari ‘sinulot’ si misis

0 719

Kinompronta ng isang lalaki ang isang pari sa San Fernando City, Pampanga na lover umano ng kanyang asawa.

Sa kumakalat na video sa social media, nagtungo ang mister sa social hall ng simbahang pinaglilingkuran ng pari.

Doon na winasak ng lalaki ang kanilang family picture sa harap ng pari at kanyang misis.

Maririnig na nag-sorry ang pari habang binulalas ng mister na sinira ng nauna ang kanilang pamilya.

“Thou shalt not covet thy neighbor’s wife,” sarkastiko pang bulalas ng lalaki na patungkol sa isa sa Ten Commandments.

Hindi pinangalanan ang tatlo para maprotektahan ang pamilya ng lalaki.

Sinabi ni Archbishop Florentino Lavarias sa Inquirer na kausap na niya ang pari at ang kaukulang pamilya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.